GMA, Jiang nagkasundo sa palitan ng mga bilanggo

Nakatakdang lumagda sina Pangulong Arroyo at Chinese President Jiang Zemin sa kasunduang "transfer of convicts" kung saan papahintulutan ng Pilipinas at China ang pagpapauwi sa kani-kanilang mga bilanggo para tapusin ang kanilang mga sentensiya sa kani-kanilang mga bansa. Ang kasunduan ay pormal na lalagdaan sa gagawing three-day state visit ng Pangulo sa Beijing sa darating na Oktubre 29. (Ulat ni Rose Tamayo)

Show comments