Senado naghigpit na rin sa sulat

Naghigpit na rin ng seguridad ang Senado partikular ang pagpasok ng mga liham patungo sa tanggapan ng mga senador upang maiwasan ang anumang sakuna tulad ng naganap sa U.S. Senate makaraang mapalusutan ng mga sulat na mayroong anthrax virus.

Inatasan kahapon ni Senate President Franklin Drilon si Senate security chief Gen. Leonardo Lopez (ret) na magpatupad nang paghihigpit partikular sa mga dumarating na liham na mga walang return address sa ibabaw.

Dapat itala ng mga ito ang dumarating na liham at ihiwalay ang mga walang return address upang masuri ito ng mga expert kung naglalaman ng anthrax virus. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments