GMA pinaalalahanan ni Nene ukol sa ROTC
October 14, 2001 | 12:00am
Pinaalalahanan ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr., si Pangulong Arroyo na wala itong kapangyarihan na gawing optional ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) at tanging Kongreso lamang ang siyang may eksklusibong kapangyarihan nito.
Sinabi ni Pimentel na maging si Senador Renato Cayetano ay nabigla nang madinig niya ang pahayag ni Pangulong Arroyo na kanya nang ipatutupad na maging optional ang ROTC sa pagpasok ng second semester at magiging in full swing na ito sa susunod na school year.
If there was such executive order or attempt by the President to make the taking up of the ROTC optional instead of compulsory, then she would, in effect violating the law in that regard," paalala ni Pimentel.
Si Pimentel ang siyang may akda ng panukalang batas na isinusulong ngayon sa Senado at si Cayetano naman ang siyang magsasagawa ng sponsorship dahilan sa ito ang chairman ng Senate committee on education, culture and arts.
Batay sa pahayag ng Malacañang noong nakalipas na October 9, kanilang ibinase ang pahayag sa rekomendasyon ni Defense Secretary Angelo Reyes na aprubahan na nito ang implementing rules and regulations (IRR) ng National Service Law na siyang magbibigay daan upang maging optional ang ROTC.
Ito ay ipatutupad sa ikalawang semester ng kasalukuyang school year sa Metro Manila at sa pagbubukas muli ng pasukan sa susunod na taon sa buong kapuluan.
Hindi naman dapat na pangunahan ni Pangulong Arroyo ang Kongreso dahilan sa hindi pa ito naipapasa sa kabila na wala namang tumututol sa paglusot ng panukala ngunit ang panahon ng implementasyon ay hindi pa tiyak hanggang hindi nabubuo ang batas. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended