Mike nag-sorry kay Bing
October 12, 2001 | 12:00am
Nagkita sa kauna-unahang pagkakataon sina First Gentleman Mike Arroyo at ang correspondence secretary ni Pangulong Arroyo sa isinagawang unang pagdinig ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Sen. Joker Arroyo kahapon ng umaga.
Bago humarap sa nasabing public hearing ay humingi ng "sincere apology" ang Unang Ginoo sa matalik na kaibigan ng kanyang kabiyak na tinanggap naman ni Rodrigo sabay ang pagkakamayan ng mga ito.
Nilinaw ni Rodrigo na hindi siya naghaharap ng reklamo laban kay First Gentleman Mike Arroyo at ang kanyang pagharap sa komite ay para linawin ang bumabalot na kontrobersyal kaugnay sa naiulat na P50 milyon bribery scam na nagsasangkot umano kay Mr. Arroyo.
Iginiit ni Rodrigo sa komite na wala siyang personal knowledge sa nasabing telecom scam kundi narinig lamang niya ito mula kay Malou Nuñez.
Nang malaman umano niya ang tungkol dito ay ipinagtapat niya kay Atty. Raffy Evangelista kung saan ito ang nag-relay ng detalye sa Pangulo pati ang pagbibitiw niya bilang correspondence secretary.
Isinangkot si Mr. Arryo sa eskandalo matapos akusahan itong tumanggap ng P50 milyon para kumbinsihin umano si Pangulong Arroyo na bawiin ang veto sa prangkisa ng Philippine Communications Clearing House Inc. at APC Wireless Interface Network Inc. na pawang pag-aari ni Jaime Dichavez, malapit na kaibigan ni dating Pangulong Estrada.
Mariing itinanggi naman ni Mr. Arroyo sa komite na mayroon siyang kinalaman sa nasabing deal at pinabulaanan din nito na kinausap niya ang kanyang maybahay para lakarin na bawiin ang veto sa nasabing telecom franchise bills.
Malaki ang hinala ng First Gentleman na ang nasabing eskandalo ay ginawa upang sirain lamang sa publiko ang imahe ng kanyang maybahay bilang preparasyon ng kanilang political opponent sa 2004 presidential elections.
Nakatakdang ipatawag ng blue ribbon sa susunod na pagdinig ng komite si Nuñez at Atty. Evangelista upang magbigay linaw sa sinasabing eskandalo kaugnay ng telecom franchise deal sa loob ng Palasyo. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest