^

Bansa

Rivero di credible witness - Joker

-
Wala umanong kredibilidad para maging testigo si PCSO media consultant Robert Rivero dahil kuwestiyonable din ang katauhan nito bilang mediaman, pahayag kahapon ni Sen. Joker Arroyo.

Ayon kay Arroyo, walang maiharap na ebidensiya o testigo si Rivero para patotohanan ang kanyang mga akusasyon na ginamit ang pondo ng PCSO para sa kapakanan ng mga administration senatorial candidates nitong nakaraang halalan.

Una nang ibinunyag ni Rivero na dawit umano si First Gentleman Mike Arroyo sa paggamit ng naturang pondo para tustusan ang kandidatura nina Senators Arroyo at Juan Flavier at dating Bulacan Gov. Roberto Pagdanganan.

Sinabi ni Arroyo na nag-iikot si Rivero kasama ang legal aide ni Sen. Edgardo Angara na si Atty. Demaree Raval para maghanap ng magiging testigo para suportahan ang alegasyon nito pero nabigo ang mga ito.

Samantala, ipatatawag ng Ombudsman si Rivero sa oras na isulong na nila ang fact finding investigation sa umano’y paglustay ng P250M pondo ng PCSO. (Ulat nina Rudy Andal at Grace Amargo)

BULACAN GOV

DEMAREE RAVAL

EDGARDO ANGARA

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GRACE AMARGO

JOKER ARROYO

JUAN FLAVIER

RIVERO

ROBERT RIVERO

ROBERTO PAGDANGANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with