^

Bansa

Sibilyan sa Afghanistan inarmasan na

-
Inarmasan na ng Taliban government ang libu-libong mga ordinaryong sibilyan sa Afghanistan bilang pagtatanggol sa ginawang pag-atake ng magkasanib na puwersa ng United States at Britain sa kanilang bansa.

Batay sa ulat ng Afghan radio, hinihimok na ng pamahalaang Taliban ang mga mamamayan nito na lumaban kasabay ng pamamahagi ng mga armas ng Taliban Army sa mga sibilyan na nagnanais makiisa sa kanilang puwersa sa paglaban sa tropa ng US.

"This is not a compulsary and it is the decision of every civilians to take the arms and defend our nation," ayon sa Taliban leaders sa ipinalabas na ulat ng CNN Television.

Samantala, patuloy ang pagdagsa ng libu-libong mamamayang Taliban sa Afghanistan-Pakistan border kasunod na rin ng pag-atake ng puwersa ng Amerika at Britanya sa mga strategic sites ng nabanggit na bansa. Namonitor na ang mga evacuees sa hangganan ng Iran.

Inihayag naman ni US President George Bush na ang kanilang opensiba sa Afghanistan ay di pakikidigma sa mga mamamayan nito kung hindi sa Taliban government na kumakanlong kay international terrorist Osama bin Laden.

"This act is not against the people of Afghanistan but against the Taliban government and other elements of terrorism. This is not war against Islam, we have given the Taliban enough time to comply with our demands but they fail, so they shall suffer the consequences of their guilt," wika ni Bush.

Pinaghahanda na ngayon ni Taliban supreme leader Mullah Mohammad Omar ang mga tauhan nito sa posibleng pagganti sa mga instalasyon ng Amerika sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Makikibahagi din sa mga suicidal attacks ang mga network ni bin Laden tulad ng Al Qeada at ilang kaalyadong terrorist groups nito sa labas ng Estados Unidos.

Isang grupo na ng mga Al Qaeda trained fighters ang inihahanda para magsagawa ng mga terroristic act sa mga kaalyadong bansa ng Amerika.

Samantala, kinondena naman ni bin Laden ang "act of terrorism" na inilunsad ng US laban sa Afghanistan.

"I swear to Allah, America shall never enjoy it’s time unless we have our holy land return to the Pakistan," pahayag ni bin Laden. (Ulat ni Joy Cantos)

AL QAEDA

AL QEADA

AMERIKA

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

MULLAH MOHAMMAD OMAR

PRESIDENT GEORGE BUSH

TALIBAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with