Mga kriminal ang matatakot sa ID system - Sen. Barbers
October 2, 2001 | 12:00am
Tanging ang mga kriminal at masasamang loob lamang ang dapat na matakot sa pagsusulong ng National Identification (ID), ayon kay Sen. Robert Barbers.
Sinabi ni Barbers na siyang chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na walang dapat katakutan sa mungkahing national ID ang sinumang mamamayan kung wala itong itinatago.
Imbes katakutan, dapat anyang ikatuwa ito dahil magsisilbing daan ito para mapabilis ang transaksiyon ng mamamayan sa pampubliko at pribadong tanggapan.
Higit ring mapagtitiwalaan ang national ID dahil isang swipe lamang ay magrerehistro na ang lahat ng impormasyong kinakailangan. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended