Ayon kay Monfort, kung ibibilang ang cancer sa occupational disease ay makasisiguro ang mga empleyado na makakakuha sila ng benepisyong medikal sa oras na hindi na niya kayang magtrabaho.
Ipinaliwanag ni Monfort na nakakaawa ang mga biktima ng brain cancer na hindi makakuha ng benepisyo sa Employees Compensation Commission (ECC) at Government Service Insurance System (GSIS) dahil lamang sa hindi kabilang ang sakit na ito sa occupational disease base sa kasalukuyang batas.
Ang panukala ni Monfort ay kaugnay sa naging desisyon kamakailan ng Supreme Court kung saan ibinasura ang petisyon ng isang empleyadong may brain cancer laban sa GSIS dahil hindi ito kasama sa mga compensable occupational disease.
Bagaman naaawa umano ang ilang miyembro ng SC sa kanilang naging hatol ay wala naman silang magawa kundi maglabas ng desisyon na naaayon sa umiiral na batas. (Ulat ni Malou Rongalerios)