Sinabi ni Ople na walang puwedeng magdeklara ng giyera kundi ang Kongreso na siyang nakatakda sa ating Konstitusyon.
Ang dapat raw gawin ng Pangulo ay humingi muna ng pahintulot sa Kongreso upang maging legal bago mangakong lalahok ang ating militar sa pagsugpo ng terorismo.
Ibinabala ni Ople na kung walang legal na awtorisasyon sa Kongreso, magkakaroon ng paglabag sa Saligang Batas.
Ipinaliwanag pa ng senador na maaaring makuha ni Pangulong Arroyo ang awtorisasyon sa Kongreso sa pamamagtian ng joint resolution ng Senado at House na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan para gamitin ang lahat ng kinakailangang puwersa para labanan ang terorismo. (Ulat ni Rudy Andal)