^

Bansa

Kongreso lang ang puwedeng magdeklara ng giyera - Ople

-
Nilalabag umano ni Pangulong Arroyo ang Saligang Batas sa pagdedeklara nito ng giyera laban sa terorismo sa layuning tumulong sa inilunsad na Oplan Infinite Justice ng US laban kay Osama bin Laden.

Sinabi ni Ople na walang puwedeng magdeklara ng giyera kundi ang Kongreso na siyang nakatakda sa ating Konstitusyon.

Ang dapat raw gawin ng Pangulo ay humingi muna ng pahintulot sa Kongreso upang maging legal bago mangakong lalahok ang ating militar sa pagsugpo ng terorismo.

Ibinabala ni Ople na kung walang legal na awtorisasyon sa Kongreso, magkakaroon ng paglabag sa Saligang Batas.

Ipinaliwanag pa ng senador na maaaring makuha ni Pangulong Arroyo ang awtorisasyon sa Kongreso sa pamamagtian ng joint resolution ng Senado at House na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan para gamitin ang lahat ng kinakailangang puwersa para labanan ang terorismo. (Ulat ni Rudy Andal)

IBINABALA

IPINALIWANAG

KONGRESO

KONSTITUSYON

NILALABAG

OPLAN INFINITE JUSTICE

OPLE

PANGULONG ARROYO

RUDY ANDAL

SALIGANG BATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with