Sayyaf target na ng Amerika
September 26, 2001 | 12:00am
Target ngayon ng search and destroy mission ng Estados Unidos ang bandidong grupong Abu Sayyaf matapos itong direktang tukuyin ni US President George W. Bush na kabilang sa 27 listahan ng mga indibidwal at grupo na sangkot sa terorismo.
Bilang paunang pagpilay sa kanilang organisasyon, iniutos na ni President Bush ang pag-ipit sa kanilang bank deposits and assets sa Amerika.
Ayon sa intellligence reports, isang Muslim foundation na tinawag na International Islamic Relief Organization ang pinagmumulan ng pondo ng Abu Sayyaf at iba pang guerillas na nag-ooperate sa south noong late 1980s at mid-1990s.
Ang relief organization na ito ay isinasangkot sa isang bayaw ni Osama bin Laden, si Mohammad Jamal Khalifa.
"We are doing our own probe and its all in the spirit of cooperation," pahayag naman ni National Security Adviser Roilo Golez bilang reaksiyon sa order ni Bush.
Ang iba pang grupong blacklisted na binanggit ni Bush sa hinalang mga front organizations ng international terrorist na si bin Laden ay ang Al-Qaeda Islamic Army ng Afghanistan, Armed Islamic Group ng Algeria, Harakat ul-Mujahidin ng Kashmir, Al-Jihad (Egyptian Islamic Jihad ng Egypt, Islamic Movement of Uzbekistan ng Uzbekistan, Asbat al-Ansar ng Lebanon, Salafist Group for Call and Combat ng Algeria, Libyan Islamic Fighting Group ng Libya, Al-Itihaad al-Islamiya ng Somalia at Islamic Army of Eden ng Yemen.
Maging charitable organizations na pinagsususpetsahang sangkot kay bin Laden ay kasama sa listahan ni Bush. Itoy ang Makhtab Al-Khidamat/Al Kifah, Wafa Humanitarian Organization, Al Rashid Trust Pakistan based at Mamoun Darkazanli Import-Export Company.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest