^

Bansa

Dagdag na buwis sa cellphone calls haharangin ni Loren

-
Tiniyak ni Senate Majority Floor Leader Loren Legarda na kanyang pangungunahan ang pagharang sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga cellular telephone calls at operators.

Sinabi ni Legarda na sa kasalukuyan ay dalawang panukalang batas ang nakahain ngayon sa Senado na naglalayong itaas ang buwis upang mapababa ang lumobong deficit ng pamahalaan at matugunan ang mga nakaamba nang proyekto.

Ayon kay Legarda, hindi ang mga operators ang direktang sasagot ng ipapataw na bagong buwis kung hindi ang may 8 milyong nagmamay-ari ng cellular phones dahil sa kanila ito babawiin.

Ang unang panukalang batas ay humihiling na dagdagan ng 50 sentimo ang bawat tawag sa cellular phones habang ang isa pang panukala ay magpapatong ng 10 porsiyento ng buwis sa kasalukuyang 10 percent value added tax.

Sinasabi sa naturang mga panukala na ang buwis na makukulekta ay gagamitin na pambili ng mga computers upang palaganapin ang computer education sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Naniniwala si Legarda na hindi na kailangang magpataw pa ng karagdagang buwis ang pamahalaan upang tamaan lamang ang pangangailangan ng pampublikong paaralan at sa halip ay maglalagay lamang ng karagdagang pondo na kukunin din mula sa ibang pondo ng Department of Education at Commission on Higher Education.

Marami pa anyang paraan ang magagawa ang pamahalaan upang hindi na magpasa pa ng karagdagang buwis sa naghihikahos nang mamamayan at ang kailangan lamang ay maghigpit sa pagkulekta ng buwis at habulin ang mga malalaking tax evaders. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

BUWIS

DEPARTMENT OF EDUCATION

HIGHER EDUCATION

LEGARDA

MARAMI

NANINIWALA

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY FLOOR LEADER LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with