^

Bansa

Mga nadakip na Abu Sayyaf, sa US lilitisin

-
Handa ang Estados Unidos na magsampa ng kasong kriminal laban sa mga opisyal at miyembro ng bandidong Abu Sayyaf kaugnay na rin ng pagdukot ng grupo sa mga Amerikano.

Ayon kay National Security Adviser Roilo Golez, sinabi sa kanya ng mga awtoridad sa US na handa itong maghain ng kaso sa US court bagaman kasalukuyan pang pinag-aaralan ang planong ito.

Dahil dito, sinabi ni Golez na kapag naisampa na ang kaso ay maoobliga ang Pilipinas na ibigay ang mga arestadong Abu Sayyaf members para sa paglilitis sa kaso.

Kabilang sa mga prominenteng Sayyaf members na hawak ngayon ng pamahalaan ay sina Nadznie Sabdullah alyas Kumander Global at Hector Janjalani na kapatid ng lider ng bandidong grupo.

Sa ngayon ay tatlong American nationals ang bihag ng Abu Sayyaf at ito’y sina Guillermo Sobero at ang mag-asawang misyonaryo na sina Martin at Gracia Burnham.

Nilinaw ni Golez na obligado ang Pilipinas na ipatapon sa US ang makakasuhang Abu Sayyaf members dahil sa extradition treaty ng dalawang bansa.(Ulat ni Ely Saludar)

ABU SAYYAF

ELY SALUDAR

ESTADOS UNIDOS

GOLEZ

GRACIA BURNHAM

GUILLERMO SOBERO

HECTOR JANJALANI

KUMANDER GLOBAL

NADZNIE SABDULLAH

NATIONAL SECURITY ADVISER ROILO GOLEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with