Payag ipadala ang tropa ng pamahalaan kung buburah
September 19, 2001 | 12:00am
Papayag si Senador Rodolfo Biazon na ipadala ang tropa ng pamahalaan at makipaglaban ng direkta sa kaaway ng Estados Unidos kung makikipagkasundo ang Amerika na linisin din ang bansa sa utang nitong panlabas gaya ng ginawa nito sa Pakistan.
Ang pahayag ay ginawa ni Biazon matapos niyang makita ang buong suporta na ginawa ng Pakistan na gamitin silang launching pad ng Amerika sa kasunduang buburahin na ang utang ng bansa at tutulungan pa silang lutasin ang sigalot sa border ng India.
"I am serious. We can send even one division of soldiers to fight side by side with the Americans if they can do the same to ease our foreign debt," pagbibigay diin ni Biazon.
Nilinaw ni Biazon na ang isang dibisyon ng military ay aabot sa 10,000 sundalo at maaari pa nating dalhin ang ilan nating kagamitang pandigma para gamitin sa pakikidigma laban sa terorismo.
Ngunit kung walang ganitong kasunduan, higit anya niyang papaboran ang pananatili na lamang ng mga sundalo sa bansa upang tumulong sa pagbura naman sa mga lokal na terorista partikular ang Abu Sayyaf Group.
Sa kasalukuyan anya ay may malaking problema pa ang bansa sa ASG at kailangang ito ang unahin sakaling walang compromise agreement na papasukin ang Pilipinas at Amerika gaya ng ginawa nito sa Pakistan.
Nabatid na mahigit sa $300 bilyon ang utang panlabas ng Pilipinas at malaking bagay ito sa bansa kung bigla itong mabubura at ang kapalit ay ang buong suporta ng bansa sa pagsusulong ng adhikain ng Amerika.
Maging ang mga ipinagbabawal na nakapaloob sa Mutual Defense Treaty (MDT) ay maaaring amyendahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso para ipamalas lang na kaya ng bansa na magbigay ng buong suporta nito sa Amerika.
Hindi lamang refueling ng mga barko at eroplanong pandigma ng US ang siyang maiaambag ng bansa kung hindi maibabalik muli ang dating kapangyarihan ng US sa dati nitong base militar.
Sa ganito anyang kasunduan ay naniniwala siyang walang sinumang mambabatas at opisyal ng pamahalaan ang hindi susuporta dahilan sa kinabukasan na ng bansa ang nakasalalay dito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended