34 Pinoys sa WTC nawawala!
September 14, 2001 | 12:00am
Umaabot na sa 34 mga Pilipino na nagtatrabaho sa World Trade Center sa New York ang inireport sa tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ng kani-kanilang pamilya na nawawala mula pa noong Martes matapos ang serye ng atake sa America.
Sa panayam ng DFA American Affairs Assistant Secretary Minerva Falcon, karamihan umano sa mga pinaghahanap ng kanilang mga pamilya ay namamasukan sa gumuhong twin towers ng WTC at sa ilang mga tanggapan sa New York malapit dito.
Hindi na umano makontak ang mga ito ng kanilang mga pamilya at wala na umanong impormasyon silang natatanggap mula ng mangyari ang pag-atake.
Sa nasabing bilang, tatlo ang kumpirmadong nawawala at isa ang nasa kritikal na kondisyon.
Kinilala ang tatlo na sina Grace Alegre Cua, empleyada ng Mitsui Bank sa 86th floor ng WTC; Hector Tamayo, isang community leader ng Aklan Association at namamasukan sa Vanderbilt Group ng WTC; at Arnold Lim na namamasukan sa Port Authority ng New York na may tanggapan sa WTC na pinaniniwalaang kabilang sa mga tao na nasa loob ng WTC ng gumuho ito matapos salpukin ng dalawang eroplano.
Isa pang Pinay, si Mary Grace Picache, empleyada rin ng Port Authority, na unang iniulat na nawawala ang ligtas na at kasalukuyang nasa tahanan nito sa New York.
Isang Juan Cruz na kasama sa mga biktima sa Pentagon ang nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Washington Hospital.
Samantala, nagpalabas na ng mga pangalan ng mga biktima ang embahada sa trahedya sa New York at Washington bagamat di matiyak kung mga Filipino ang mga ito o mga Español.
Kinuha na lamang umano ng embahada ang lahat ng mga pangalan na may tunog Pilipino o Español dahil nabigo silang kilalanin ang nationality ng mga ito.
Kabilang sa mga inilabas na mga pangalan sina Abraham, Jasan; Bermudez, Henry; Dominguez, Judith; Garcia, Nelido; Jiminez, Casimiro; Matias, Toni; Medina, Ray; Protacio, Paul; Santiago, Ruth; at Valencia, George na pawang nasa Methodist Hospital ng New York; Casal, Richard; Cortez, Victor; Cruz, Roberto; Guzman, Orlando; Lopez, Hector; Oriz, Gilbert; Peña, Rafael; Reyes, Niobis; Rivera, Flavio; Rodriguez, Abdan; Rodriguez, Joseph na pawang nasa Cabrini Hospital sa New York; Costa, Max; Concepcion, Vivian; Desiderio, Jason; Mananghaya, Alfred na pawang nasa St. Mary Hospital sa New York.
Peralta, Naomi; Perez, Alex; Rodriguez, Ben; Rosario, Norma na pawang nasa St. Mary Hospital ng New York; Lopez, Romeo; Martinez, Berta; Meranda, Diana; Ramirez, Juan; Ramos, Alfredo; Roma, Arnie, na pawang nasa St. Francis Hospital ng New York; Fernandez, Thomas; Figueroa, Thomas; Hernandez, Pamela; Mangolen, Christine; Rivera, Gilberto; Tagle, Benilda na pawang nasa WTC Christ Hospital; Cruz, Jessica; Cruz, Moises; Flores, James; Rodriguez, Brian; Rodriguez, Riveras; Rosado, Marcial; Rosario, Nelson at Vega, Manny na pawang nasa St. Vincent Medical ng New York; Castro, Manuel; Cecallas, Maria; Diaz, Diana; Valerio, Yudelka; Ramos, Nancy; Garcia, Angel; Garcia, Katherine; Garrido, William; Gonzales, Susana at Pena, Rafael na pawang nasa New York University Hospital. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended