Lacson nag-relax sa HongKong
September 10, 2001 | 12:00am
Umalis ng bansa ang kontrobersyal na si Senador Ping Lacson para pumunta sa Hong Kong, kahapon ng umaga.
Si Lacson ay hindi pinigilan ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport dahil napawalang bisa na umano ang kanyang hold departure order matapos siyang idawit sa Malacañag siege noong Mayo 1, 2001 sa pumalpak na Peoples Power 3 o ang tinaguriang Edsa 3.
Ginamit ni Lacson ang kanyang diplomatic passport ng lumabas ito ng bansa matapos ipakita sa isang immigration officer sa departure area ng NAIA.
Kasama ni Lacson si Jerome Tang, isang intsik na may-ari ng Jollibee outlet sa airport. Ang mga ito ay sumakay ng eroplanong Cathay Pacific Airlines fight CX-906 papuntang Hong Kong.
Si Lacson, ay umalis ng bansa eksantong alas-11:00 ng umaga lulan ng flight CX-906 patungo sa dating British Crown Colony island na pinaniniwalaang magpapalamig sa mga kasong kinakaharap nito kaugnay ng kaliwat kanan na akusasyon ng kampo ni ISAFP chief, Colonel Victor Corpus at mga kasamahan.
Napag-alaman pa na hindi ipinahayag ni Lacson kung hanggang kailan ito mananatili sa Hong Kong at kung ano ang pakay ng kaniyang pag-alis.
Nauna rito, si Kim Wong, ang inaakusahang drug lord na konektado umano sa Hong Kong Triad ni Mary Ong ay umalis din noong Biyernes ng hapon patungong Hong Kong. (Ulat ni Butch M. Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest