Statement of vote ayaw pabuksan: Benipayo mag-resi
September 6, 2001 | 12:00am
Hinamon kahapon ni Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco si Chairman Alfredo Benipayo na mag-resign na sa kanyang puwesto kung hindi umano ito papayag na buksan ang statement of votes (SOV) nang nakalipas na halalan.
Sa isinagawang press conference kahapon, sinabi ni Tancangco na ang naturang SOV ay maaaring maihalintulad sa Jose Velarde Account ni dating Pangulong Estrada na matapos na hindi pabuksan ng mga tagapagtanggol nito ay naging dahilan para siya mapatalsik.
Kung hindi umano papayag si Benipayo na mabuksan ang naturang SOV na posibleng maging dahilan upang maitama ang mga natuklasang pagkakamali sa canvassing of votes noong May 14 elections ay nararapat lamang na magbitiw na ito sa kayang tungkulin.
Kinuwestiyon din ng commissioner ang umanoy ginawang pagpigil ni Benipayo at ng kanyang sidekick na si Commissioner Resureccion Borra kahit na inamin na ng mga ito na may pagkakamali ngang naganap sa canvass report na isinumite ng Comelec sa Senado.
"Bakit kailangang pigilin ito? Hindi ba dapat na ang chairman pa nga ang manguna dito upang patunayan sa publiko na sinsero ang Komisyon sa kanilang sinumpaang tungkulin," wika ni Tancangco.
Sinabi rin ni Tancangco na kung mabubuksan ang mga balota ay maitatama hindi lamang sina Senador Ralph Recto at Gringo Honasan na nasa ika-12 at ika-13 ang maapektuhan kung hindi maging ang nasa ika-14 at ika-15 puwesto.
Samantala, hindi naman pinansin ni Benipayo ang patutsada sa kanya ni Tancangco.
"Why should I resign? Dahil sabi niya (Tancangco)? I dont take that seriously!" pahayag ni Benipayo.
Idinagdag din ng chairman na kahit buksang muli ang mga SOV ay wala namang makikitang pandaraya dito dahil ang sinasabi umanong padded o lumolobong bilang ay ang listahan ng registered voters at ang mga boto. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am