Sa kabila ng mga unang pahayag na si Estrada mismo ang personal na magsasampa ng kaso, tanging ang kanilang abogadong si Atty. Cleofe Villar-Verzola lamang ang lumitaw at nagsumite ng mga kaukulang dokumento.
Bukod kay Corpus, kinasuhan din ng mag-asawang Estrada sina PDI publisher Isagani Yambot; Jose Ma. Nolasco, managing editor; Letty Jimenez-Magsanoc, editor-in-chief; at mga reporter na sina Carlito Pablo at Christine Herrera.
Sa ulat ng PDI buhat sa pahayag ni Corpus noong Agosto 5, sinabi nito na iligal na nagkamal ng may US$1 bilyon ang mag-asang Estrada at sina Senador Panfilo "Ping" Lacson at asawa nitong si Alice dahil sa pagkakasangkot sa iligal na mga aktibidades tulad ng money laundering, drug-trafficking at kidnapping.
Inilathala rin ng PDI ang mga umanoy bank accounts nil a ng Citibank at Bank of America sa mga bansang Estados Unidos, Hong Kong at Canada na sinabi ni Corpus na mga "authentic" umano.
Bukod dito, sinabi rin ni Corpus sa naturang ulat na meron pang isang bank account si Senador Loi Estrada sa Hong Kong na nagkakahalaga ng US$180 milyon.
Sinabi naman ni Verzola na matigas ang pagtanggi ng kanyang mga kliyente na wala silang anumang bank accounts sa mga naiulat.
Hindi umano nagsagawa ng pagtse-check sa mga nilalaman ng ulat ni Corpus ang PDI at hindi rin kinuhanan ng panig nina Estrada bago ilathala ang ulat upang mapatunayan ang "objectivity" nito. (Ulat ni Danilo Garcia)