Sinabi ni Aida Simborio, information officer ng Bureau of Internal Revenue, matagal na umano itong kautusan ng ahensiya alinsunod sa memorandum, 06-2001 subalit ngayon lamang maipatutupad matapos aprubahan ng Department of Finance.
Binigyang diin ni Simborio na ang hakbang ay bilang pagtatama lamang sa buwis na dapat kolektahin ng pamahalaan sa nabanggit na mga taxpayer.
Hindi kasama sa naturang direktiba ang mga doctor na sobra rin ang laki ng kita at gayundin ang mga abogado na sinasabing isa sa mga tumatabo ng salapi sa bawat taon.
Umaabot sa P388 milyon ang target collection ng BIR ngayong 2001 at isa ang mga artista at atleta sa inaasahang makakapagpapataas sa koleksiyon ng BIR sa taong ito. (Ulat ni Angie dela Cruz)