'Nagpatakas' kay Ador papanagutin ng mga senador

Papanagutin ng mga senador ang sinumang may kinalaman sa pagtakas ni Angelo "Ador" Mawanay mula sa detention nito sa Senado.

Binigyan ni Senate President Franklin Drilon ng limang araw ang adhoc committee para alamin ang partisipasyon ng ISAFP members na sumundo at nag-escort kay Ador, mga abogado at Senate security kung may kapabayaan nga sa kanilang panig.

Inaasahang sa loob ng 5 araw ay mayroon ng resulta ang komite para matukoy kung sinu-sino ang dapat makasuhan ng contempt.

Dahil napahiya ang Senado, iminungkahi ni Drilon na tanggapin ang resignation ni Sgt.-at-Arms Gen. Leonardo Lopez (ret.) matapos na makaalis sa gusali ng Senado si Ador ng walang permiso.

Idinagdag ni Drilon, na pinayagan na nila kamakalawa na ilagay na lamang sa custody ng ISAFP si Ador, pero nagbabala si Drilon na kung di sisipot si Mawanay sa Huwebes ay maaaring ipakuha ito at muling isailalim sa Senate custody. (Ulat ni Rudy Andal)

Show comments