^

Bansa

Mawanay pumuslit para makipagkita kay Cardinal Sin

-
"Wala akong balak tumakas."

Ito ang binigyang-diin kahapon ni Angelo "Ador" Mawanay makaraang umalis ito sa kanyang detention room matapos sunduin ng mga ISAFP members para makipagkita kay Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin sa Villa San Miguel, Mandaluyong City.

Sinabi ni Ador na inakala niyang mayroon na siyang clearance mula sa tanggapan ni Senate President Franklin Drilon at Sgt.-at-Arms Gen. Leonardo Lopez (ret.) kaya umalis na ito sa kanyang "kulungan" bandang alas-2:10 ng hapon kahapon.

Ayon kay Mawanay, wala itong intensiyon na tumakas. Kung gusto umano niyang tumakas ay dapat ginawa na niya ito noong Sabado pero hindi niya ito plano dahil sa paniwalang pakakawalan siya ng Senado.

"Tatlong kanto na lamang ang layo ko sa Villa San Miguel pero ipinasya kong bumalik agad matapos tawagan ako ng aking mga abogado at OSA chief Lopez," wika pa ni Ador.

Bumalik si Ador sa Senado bandang alas-4 ng hapon.

Kahapon ay nagdesisyon din ang Senate committees on public order and illegal drugs; national defense and security at blue ribbon committee na payagang makalaya si Ador mula sa Senate custody at ilagay na lamang ito sa pangangalaga ni ISAFP chief Col. Victor Corpus.

Siniguro naman na dadalo si Mawanay sa isasagawang question hour sa araw na ito sa pagpapatuloy ng joint hearings ng tatlong komite.

Kasabay nito ay hiniling naman ni Drilon ang resignation ni OSA chief Lopez dahil sa kapabayaan nitong makaalis ng Senado si Ador gayung wala pang release order dito ang kanyang tanggapan at mga komite na naglagay sa kanya sa Senate custody.

Winika ni Drilon, magsasagawa ng imbestigasyon ang Senado ukol sa "gulong" ito at sa sandaling mapatunayan na mayroong kapabayaan sa tungkulin si Lopez ay irerekomenda niya ang pagsibak dito. (Ulat ni Rudy Andal)

ARMS GEN

DRILON

LEONARDO LOPEZ

LOPEZ

MANDALUYONG CITY

MAWANAY

SENADO

VILLA SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with