^

Bansa

Malacañang pinayuhan si Misuari na igalang ang plebisito

-
Hinikayat kahapon ng Malacañang si Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na hayaan ang taumbayan ang magdesisyon kung dapat palawakin ang saklaw ng ARMM.

Ito ay kaugnay sa idaraos na plebisito sa Agosto 14 na mahigpit namang tinututulan ng grupo ni Misuari at nagbanta ng kaguluhan o dadanak ng dugo gayundin ang pagkilos para iboykot ang eleksiyon.

Kaya naman umapela ang Malacañang sa mga botante sa Mindanao na makiisa at lumahok sa plebisito para malaman ang kanilang boses at desisyon sa mga nasasakop ng ARMM.

Sinabi ni Press Undersecretary Roberto Capco, isang magandang pagkakataon ang plebisito dahil dito ay malalaman na kung aling mga lalawigan ang nais na masaklaw ng ARMM para na rin sa pagsusulong ng kabuhayan sa Mindanao.

Nilinaw din ng Malacañang na hindi na puwedeng iliban ang plebisito at handa na ang Comelec para dito. (Ulat ni Ely Saludar)

vuukle comment

AGOSTO

AUTONOMOUS REGION

COMELEC

ELY SALUDAR

GOVERNOR NUR MISUARI

HINIKAYAT

MALACA

MINDANAO

MUSLIM MINDANAO

PRESS UNDERSECRETARY ROBERTO CAPCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with