^

Bansa

Senior citizens ililibre sa hospital

-
Hiniling kahapon ni Iloilo Rep. Narciso Monfort sa Kongreso na amyendahan ang Republic Act 7432, ang batas ukol sa senior citizens upang mabigyan ng libreng hospitalization ang mga matatandang sakop ng nasabing batas.

Ayon kay Monfort, hindi sapat ang 20% discount na ibinibigay sa mga senior citizens dahil marami sa mga ito ang laging nagkakasakit dulot ng katandaan.

Sa ilalim ng R.A. 7432, ang mga mamamayan na umabot na sa edad na 60 ay ibinibilang sa senior citizens at bibigyan ng iba’t ibang pribilehiyo.

Subalit hindi kabilang sa mga benefits na ibinibigay sa mga senior citizens ang libreng hospitalization o confinement sa ospital ng gobyerno.

Sinabi ni Monfort na sa sandaling sumapit na sa edad na 60 ang isang tao ay nagsisimula na nitong maranasan ang iba’t ibang uri ng sakit tulad ng hypertension, rheumatism, sakit sa puso, diabetes at iba pang uri ng karamdaman.

Sa panukala ni Monfort, bibigyan ng libreng medical at dental services at libreng hospitalization at confinement sa government hospitals ang lahat ng senior citizens na magkakasakit.

Ang Department of Health (DOH), Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) ang gagawa ng guidelines ukol sa nasabing panukala sa sandaling ito’y maging isang ganap na batas. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HINILING

ILOILO REP

MALOU RONGALERIOS

MONFORT

NARCISO MONFORT

REPUBLIC ACT

SOCIAL SECURITY SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with