Pagkaing nakakataba ipagbabawal
July 27, 2001 | 12:00am
Bad news sa matatabang tao na mahilig kumain ng mga nakakatabang pagkain.
Isang panukalang-batas ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na naglalayong i-regulate ang mga pagkaing nakakataba.
Sa "Anti-Obesity Act of 2001" na inihain ni Iloilo Rep. Narciso Monfort, sinabi nito na panahon na para higpitan ang pagbebenta ng mga pagkain at inumin na nagiging sanhi ng obesity o sobrang katabaan.
Nakasaad sa kanyang panukala na itinuturing na ngayon sa buong mundo na isang epidemic ang obesity at pinagmumulan ito ng ibat ibang klase ng cancer, gall bladder disease, musculoskeletal disorders at respiratory problems.
Sinabi pa ni Rep. Monfort na isa ring dalubhasang doktor na natuklasan ng mga medical experts na ang problemang idinudulot ng sobrang katabaan ay kapareho lamang ng paninigarilyo.
Ikinatwiran pa ng mambabatas na katungkulan ng pamahalaan na protektahan ang kalusugan ng mga mamamayan at ipagbawal ang mga pagkain na nagdudulot ng problema sa kalusugan.
Ituturing na obese o sobra ang taba ng isang tao kapag lumampas sa 20 porsiyento ang timbang na ibabatay naman sa ideal weight, sex build at height.
Ang Department of Health ang aatasang mag-regulate sa pagma-manufacture, distribution, sale at consumption ng mga pagkain at inumin na mayroong mataas na calories.
Ang sinumang mahuhuling lalabag sa regulasyon na ipalalabas ng DOH ay pagmumultahin ng P10,000 o pagkabilanggo ng 30 araw. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest