Promosyon na nang-harass kay Luli dadaan sa Pangulo
July 25, 2001 | 12:00am
Nanganganib na di makuha ng isang foreign service officer na inakusahan ng sexual harassment ng anak na babae ni Pangulong Arroyo (noon ay Senador pa lamang) noong l996, ang kanyang promosyon bilang Chief of Mission, dahil sa pagkakataong ito ay dadaan sa kamay ng Pangulo ang kanyang promotion papers.
Umabot sa dalawang taon ang isinagawang imbestigasyon kaugnay sa isinampang kasong administratibo (Administrative case 97-06) ni Maria Evangeline "Luli" Arroyo laban kay Jose P. Ampeso ng Department of Foreign Affairs.
Sinabi ni DFA Undersec. Franklin Ebdalin na naisilbi na ni Ampeso ang mga kondisyones at parusa matapos ang nasabing paghahain ng kasong administratibo laban sa kanya ni Luli.
Si Ampeso na kinonsidera sa promosyon bilang Ministerial Counselor sa nasabing Embahada noong Enero 13, 2000 ng Estrada administration, ay kandidato sa ranggong Chief of Mission, isang posisyon bago maging Ambassador.
Gayunman, ang kanyang promotion sa ngayon hanggang 2004 ay dedesisyunan at lalagdaan ni Pangulong Arroyo.
Sa isinagawang pag-iimbestiga sa kaso na isinagawa ng Board Foriegn Service Administration na pinamunuan ni Atty. Generoso Calonge, pinabulaanan ni Ampeso ang reklamo sa kanya.
Ayon kay Luli, isa sa mga volunteer sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na host ang Pilipinas, na pumasok siya sa Duty Officer Room noong Nob. 8, 1996 kung saan may mga dokumento umano siyang kukunin kay Ampeso na noon ay Duty Officer at dito umano naganap ang sexual harrasment.
Ang magkabilang panig ay pumayag na ayusin ang nasabing kaso at nadismis ito noong Oktubre 1998 matapos na magbigay din ng isang letter of apology si Ampeso kay Luli sa harap ng kanyang mga magulang.
Inatasan din ang respondent na dumalo sa clinical sessions hanggang sa ma-satisfy at matanggap ni Luli na patawarin ang una. Ang dismissal ng kaso ay inaprubahan din ng BFSA en banc. (Ulat ni Ellen Fernando)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended