Pangarap ng batang si Jayson magkakaroon ng katuparan

Matutupad na ang ambisyon ni Jayson Vann Banogan, isa sa tatlong bata sa Payatas, na makapagpatuloy ng pag-aaral at kumuha ng kursong arkitekto.

Ito ay matapos mag-alok ang Grand Alphatech International Corp., pangunahing kumpanya ng chocolate chip cookies sa bansa, na sasagutin ang pag-aaral ni Jayson hanggang sa makatapos ito ng kurso. Ayon kay Jeffrey Co, general manager ng GALINCO, nagbigay inspirasyon sa kanila ang talumpati ng Pangulo sa katatapos na SONA.

Kabilang si Jayson sa tatlong batang taga-Payatas na nagpadala ng mensahe sa Pangulo sa pamamagitan ng bangkang papel kalakip ang kanilang mga kahilingan. Bukod sa libreng matrikula, pagkakalooban din ng GALINCO ng allowance, libro at school supply si Jayson. (Ulat ni Lilia Tolentino)

Show comments