Peace panel umalis ng bansa para sa 2nd round ng peace negotiations
July 24, 2001 | 12:00am
Umalis na kahapon ng bansa patungong Malaysia ang government peace panel para sa pagpapatuloy ng second round ng peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at mga kinatawan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nagpahayag ang GRP panel na pinamunuan ni Jesus Dureza, chairman ng Mindanao Economic Development Council at Concurrent Secretary General ng InterAct Mindanao, na kanilang inaasahan na magiging mabunga at matutugunan ito ang kinakailangang mekanismo at pagbabago sa mga development programs para sa conflict stricken areas ng Mindanao.
Si Dureza kasama ang mga miyembro ng GRP panel na sina Irene Santiago, Dr. Emily Marohombsan, Acmad Fariz Ahmad ng Malaysian Embassy at Libyan Ambassador Salam Alem ay umalis ng Ninoy Aquino International Airport dakong ala-1:45 ng hapon lulan ng Singapore Airlines flight SQ-074 para sa muling pagbubukas ng peace talks na nakatakdang simulan bukas.
Sa ginanap na press briefing, sinabi ni Dureza, na "Inaasahan namin na sa pagsapit ng Agosto 9, we shall have crafted the mechanics of ceasefire guidelines and we will improve the development programs intended the conflict-stricken areas in Mindanao."
Kabilang sa mga isyung tatalakayin ay ang hinggil sa edukasyon, karapatang pangtao, repormang pang-agrikultura at pinag-ibayong awtonomiya bilang bahagi ng nine point development program, kabilang na ang tinurang ancestral domain at ang inaasahan na kalayaan ng Bangsa Moro. (Ulat ni Butch Quejada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended