Bahay ni Misuari ni-raid ng PNP
July 20, 2001 | 12:00am
Sinalakay kahapon ng mga operatiba ng PNP sa Zamboanga City ang bahay na pag-aari ni MNLF chairman at Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari at nakakumpiska rito ng mga high-powered firearms at mga bala na nakalaan umano sa bandidong Abu Sayyaf.
Nabatid na nilusob ng mga tauhan ng Police Regional Office 9 sa bisa ng search warrant ang compound pero nabigong makaaresto ng kahit isang suspek
Target ng arrest at search warrant ang isang Asah Asmawil na caretaker umano sa compound at suspected gun runner. Pinuntirya ng raiding team ang isa sa mga quarter kung saan nakaimbak ang mga bala na nakatago sa limang kahon na may DND arsenal markings.
Gayunman, si Asmawil ay inulat na tumakas may apat na araw bago isagawa ang raid.
Napag-alaman na si Asmawil ay hinihinalang nagsu-supply ng mga armas at bala sa Abu Sayyaf kung saan ang bahay umano nito ang ginawang arms cache ng mga bandido.
Sinabi naman ni Zamboanga City PNP director Supt. Mario Yanga na walang kinalaman si Misuari at asawa nitong si Tarhata sa pagkakaimbak sa naturang matataas na uri ng mga bala.
Pitong buwan na umanong wala ang mag-asawa sa bahay nila at matagal nang binakante ang naturang compound kung saan ay ipinagbili na ito sa halagang P7M.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 7.62 rounds para sa M14 rifle; 62 rounds ng balang 40mm para sa M79 grenade; 15 magazines ng M16; 615 rounds ng 7.62 ng M14; 250 rounds ng caliber 30 M1 Garand; isang barrel ng M16; 100 rounds ng 5.56mm ammunition ng M16; mga ammunition in link (naka-chain) at isang black ammunitions vest.
Maliban sa gun running ay may nakabinbin ding kasong illegal possession of firearms and ammunitions si Asmawil sa Zamboanga City Regional Trial Court Branch 19.
Kaugnay nito, nakatakda namang magsagawa ng magkahiwalay na imbestigasyon ang military para mabatid kung ang nasamsam na mga armas at bala ay galing ng AFP arsenal kasunod na rin ng mga tatak at serial number na nadiskubre dito, at kung paanong napunta ito sa pag-iingat ng suspek. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended