^

Bansa

Permit sa pagdadala ng baril, ipinababasura

-
Masamang balita sa mga nagsusulong ng ‘gunless society’, pero magandang balita naman sa mga may-ari ng baril.

Ipinababasura ng isang mambabatas ang pagkuha ng permiso sa pagdala ng baril o ‘permit to carry firearms’ dahil hindi na umano ito napapanahon.

Ayon kay Biliran Rep. Gerardo Espina, napakaraming batas ngayon ang nagpapahirap lamang sa iba’t-ibang sektor ng lipunan katulad ng mga pagkuha ng permiso para makapagdala ng baril.

Hindi umano makatwiran para sa isang tao na binigyan ng permiso na magkaroon ng baril, subalit pinagbabawalan naman na ito ay dalhin sa labas ng kanyang tahanan.

"It’s illogical to provide separate and different requirements for both the privilege to possess a firearms and the privilege to keep and carry the same," ani Espina.

Ang pagkuha umano ng permit to carry firearms ay isa lamang sa napakaraming proseso sa pamahalaan na pinagmumulan ng red tape.

Ang bawat aplikante na nais magkaroon ng permisong mag may-ari ng baril at madala ito sa labas ng kanilang tahanan ay hindi dapat bumaba sa 25 taong gulang at dapat kumuha ng gun handling at safeguards seminars.

Kailangan ding pumasa sa neuro-psycho test ang aplikante upang masiguro na hindi nito basta-basta gagamitin ang dala-dalang baril. (Ulat ni Malou Rongalerios)

AYON

BARIL

BILIRAN REP

ESPINA

GERARDO ESPINA

IPINABABASURA

KAILANGAN

MALOU RONGALERIOS

MASAMANG

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with