Senadora Loi aarestuhin
July 12, 2001 | 12:00am
Anumang araw ay magpapalabas ng arrest warrant ang First Division ng Sandiganbayan laban kay Senator-elect Luisa "Loi" Ejercito-Estrada matapos tiyakin kahapon ng tanggapan ng Ombudsman na hindi pa ligtas ang dating unang ginang sa kasong kriminal na isinampa dito.
Ayon kay Overall Deputy Ombudsman Margarito Gervacio, tuloy ang kasong graft laban kay Senator Loi makaraang hindi pumayag ang Sandigan na bawiin ng prosecution ang naturang kaso na nag-ugat sa umanoy pagtanggap nito ng jueteng money.
Hinikayat ng Sandigan ang prosecution na magsumite nang matitibay na ebidensiya at isulong ang kasong graft laban sa dating unang ginang.
Ang kasong graft ay may katapat na parusang 6-18 taong pagkabilanggo. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest