^

Bansa

GMA di dapat makialam sa senate presidency - Ople

-
Nanawagan kahapon si Senador Blas Ople kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na huwag itong makialam sa usapin ng senate presidency sa pamamagitan ng paglalagay ng kanyang ‘manok’.

Sinabi ni Ople na hindi dapat manghimasok sa panloob na usapin ng senado ang Pangulo upang makuha nito ang respeto at kooperasyon ng taga oposisyon sa Mataas na Kapulungan.

Si Ople na hayagang sumusuporta sa kandidatura ni Senador Edgardo Angara bilang senate president ay nagwika na kapag nakialam ang Pangulo sa internal affair ng senado ay posibleng manganib naman ang economic reform agenda ng administrasyon dahil hindi susuporta ang oposisyon. (Ulat ni Rudy Andal)

KAPULUNGAN

MATAAS

NANAWAGAN

OPLE

PANGULO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

RUDY ANDAL

SENADOR BLAS OPLE

SENADOR EDGARDO ANGARA

SI OPLE

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with