'Kung di kaya ang wage hike, income tax bawasan'
July 10, 2001 | 12:00am
Iminungkahi kahapon ni Senator Ralph Recto sa Senado na bawasan ang income tax ng mga manggagawa kung hindi kaya na ibigay sa mga ito ang wage increase.
Ayon kay Sen. Recto, dapat magkaroon ng amyenda sa section 35 ng Tax Reform Act of 1997 para makasabay ang mga manggagawa sa mataas na presyo ng bilihin upang makapamuhay ng disente.
Sinabi ni Recto, sakaling maaprubahan ang panukala niyang ito ay magiging P25,000 na ang exemption sa mga single at legally separated; P30,000 para sa head of the family; at P37,000 para sa may asawa.
Ang exemption naman para sa bawat qualified dependent ay magiging P10,000 mula sa dating P8,000 lamang.
Mangangailangan ng P618 kita para makapamuhay ng disente ang isang pamilya na may miyembrong 6 sa kasalukuyan, gayong P250 lamang ang minimun wage dito sa Metro Manila.
Naniniwala ang senador na mawawalan ng P3 bilyon ang kaban ng gobyerno dahil sa tax reduction na ito pero ito ang nakikita niyang pamamaraan upang matulungan ang naghihirap na manggagawa kung mabibigong maitaas ang kanilang sahod. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest