^

Bansa

$ 20M inutang para sa modernisasyon ng korte sa bansa

-
Iginiit kahapon ni Senate Minority Leader Renato Cayetano na tiyaking magagamit ang $ 20 milyon o P1.04 bilyong inutang sa World Bank para sa modernisasyon ng korte sa bansa na makakatulong para mabilis na paglutas ng kaso na ngayon ay nakabinbin sa ibat-ibang sala ng mga huwes at mahistrado.

Sinabi ni Cayetano, chairman ng Judicial Bar Council (JBC) na mahalagang maisakatuparan ang modernisasyon ng judicial system sa bansa upang magkaroon ng malaking kabawasan sa kasong nasa korte.

Matagal na anyang isinulong ang pag-utang ng bansa sa World Bank para matustusan ang malaking pangangailangan ng judicial system ng bansa upang tiyak na maibigay ang tamang hustisya sa mga biktima.

Ang mga balakin sa inutang na pera ay para sa pagpapatayo ng mga bagong gusali, improvement of judicial process, court and case management at information system.

Sa nakalap na rekord ni Cayetano, sa taong 2000 pa lamang ang kasong isinampa sa ibat-ibang korte sa bansa ay nakapending ang 824,821 kaso. (Ulat ni Rudy Andal)

BANSA

CAYETANO

IGINIIT

JUDICIAL BAR COUNCIL

MATAGAL

RUDY ANDAL

SENATE MINORITY LEADER RENATO CAYETANO

SINABI

ULAT

WORLD BANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with