^

Bansa

Mga may kapansanan na ginagawang katawa-tawa sa pelikula,TV poprotektahan

-
Nais ni Las Piñas Rep. Cynthia Villar na gawing isang krimen ang negatibong paggamit sa mga taong may kapansanan na ginagawang katawa-tawa partikular sa telebisyon at pelikula.

Ayon sa kongresista, hindi dapat gawing katawa-tawa ang mga taong may kapansanan partikular ang mga bulag, bingi, pilay, at iba pang may kaawa-awang kalagayan.

Pinuna ni Villar na sa kasalukuyan ay napakaraming may kapansanan ang lumalabas sa telebisyon partikular sa mga comedy show.

Sa panukalang "Media Protection for the Disabled Act", papatawan ng mabigat na parusa ang sinumang tao na responsable sa paglabas ng mga taong may kapansanan sa telebisyon upang sila ay gawing ‘butt of sick jokes’.

Natural na umano sa mga Pilipino ang maging palatawa, subalit hindi naman kailangang gamitin pa ang mga kaawa-awang kalagayan ng mga disabled person upang magkaroon lamang ng pagtatawanan.

Sa sandaling maging isang ganap na batas, ang mga taong mapapatunayang nagkasala ay papatawan ng pagkabilanggo ng hindi hihigit sa anim na buwan o multa na hindi naman tataas sa P5,000. (Ulat ni Malou Rongalerios)

vuukle comment

AYON

CYNTHIA VILLAR

DISABLED ACT

LAS PI

MALOU RONGALERIOS

MEDIA PROTECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with