Abu may special treatment
July 5, 2001 | 12:00am
"Iba ang tinitingnan kaysa sa tinititigan" ito ang naging pakiwari ni Southern command spokesperson Col.Danilo Servando sa naganap na pagpapalaya kina Luis Bautista at Lalaine Chua sa nagaganap na diskrimanasyon ng Abu Sayyaf sa kanilang mga bihag.
Ayon umano sa pahayag ng pinalayang sina Bautista at Chua sa isinagawang pagtatanong ng militar na minamaltrato at kakaiba ang pakikitungo ng mga bandido sa mga bihag na walang kakayahang magbayad ng ransom.
Kabilang sa mga minamaltrato ng mga bandido ay mga bihag na dinukot mula sa Tahiran, Lantawan noong Hunyo 11.
Naging espesyal naman ang pakikitungo ng mga bandido kina Bautista at Chua at ilan sa kasama nilang bihag na alam ng mga ito na mayaman at may kakayahan umanong magbayad ng ransom.
Ilan sa mga nasaksihan nina Bautista at Chua ay ang paggamit sa mga Lantawan hostage bilang mga human shields sa oras na maka-enkuwentro ng mga ito ang puwersa ng militar.
Maging sa pagkain ay mas asikaso umano at masasarap na pagkain ang kinakain ng mga bihag na mayaman kaysa sa mga bihag na mahirap. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest