Sayyaf at MILF hindi raw nagkasundo sa ransom
July 3, 2001 | 12:00am
Posibleng hindi umano nagkasundo ang mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa hatian ng ransom kaya hinarang ng mga rebelde ang dalawang pinalayang hostages ng una sa Basilan.
Batay sa report, ilang oras matapos umanong makapagbayad ng malaking halaga ng ransom ay pinakawalan ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang Palawan hostages na sina Luis Bautista III at Lalaine Chua noong nakaraang Sabado.
Gayunman, habang pababa sina Bautista at Chua sa kabundukan ay hinarang ang mga ito ng grupo ni Usman Lidjal, isa sa ground commanders ng MILF na nag-ooperate sa Basilan.
Sinabi naman ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan na sinisiyasat na nila ang report tungkol sa sinasabing panghaharang ng MILF sa dalawang naturang bihag. Sinisilip ng militar ang posibilidad na pinipilit lamang siraan ng mga bandido ang MILF para wasakin ang kredibilidad ng mga ito sa gobyerno kaugnay ng isinusulong na peace talks.
Binigyang diin ni Adan na hindi lahat ng mga lumulutang na alingasngas sa Basilan ay dapat na paniwalaan bunga na rin ng maraming black propaganda ang kumakalat doon para ilihis ang operasyon ng militar.
Magugunita na nang matagpuan ang pugot na bangkay ng mga bihag na sina Primitivo Falcasantos at Crisanto Suela noong nakaraang Hunyo 23 ay may nakasulat sa puting t-shirt na nakatabon sa bangkay ng mga ito na "narito sa Basilan si Commander Robot, mamumugot ng ulo," bagay na napatunayang gawa-gawa lamang ng grupo ni Sabaya para hindi matuloy ang pagsuko ni Robot.
Samantala, pinasinungalingan naman ni ASG spokesman Abu Sabaya na hindi naagaw ng MILF Lost Command sina Chua at Bautista.
Ayon kay Sabaya, hawak pa nila ang dalawang bihag at nakatakda na nilang palayain pero nagkaroon lamang umano ng problema sa seguridad at daanan. (Ulat nina Joy Cantos/Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest