^

Bansa

Kababayang guro ni Roco, inuna sa ATM salary

-
Lumingon sa kanyang pinanggalingan si Education Secretary Raul Roco matapos unahin nito ang kanyang mga kababayang guro sa Camarines Sur ang implementasyon ng kanyang pagpapasahod sa pamamagitan ng Automated Teller Machine (ATM).

Sinabi ni Roco na ginawa niyang pilot area ng programa nilang "checkless payroll system" ang kanyang lalawigan at nakatakdang makuha na ng mga guro ang kanilang mga sahod sa ATM machines sa Land Bank of the Philippines.

Ayon pa kay Roco na malaking kabawasan sa trabaho ng DECS Central Office kung saan dito ipino-proseso ang mga sahod ng higit sa kalahating milyong guro sa buong bansa na dumaranas ng pagkaantala ng kanilang sahod.

Tinatayang may 8,661 mga kawani ng DECS sa Camarines Sur na may payroll amount na P 1.3 bilyon kada taon o P103 milyon kada buwan. (Ulat ni Danilo Garcia)

AUTOMATED TELLER MACHINE

AYON

CAMARINES SUR

CENTRAL OFFICE

DANILO GARCIA

EDUCATION SECRETARY RAUL ROCO

LAND BANK OF THE PHILIPPINES

LUMINGON

ROCO

SINABI

TINATAYANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with