2 Palawan hostages wala na sa kamay ni Sabaya
July 1, 2001 | 12:00am
ISABELA, Basilan - Nalagay sa balag ng alanganin ang inaasahang pagpapalaya kahapon sa dalawang Dos Palmas hostages na sina Lalaine Chua at Luis Bautista matapos magkaroon ng problema sa lugar kung saan sila kukunin.
Kinumpirma ng isang mataas na opisyal ng STAG, ang task force na pumalit sa binuwag na PAOCTF na kasalukuyang humahawak sa pagpapalaya ng mga bihag sa Basilan na wala na umano sa mga kamay ni Abu Sayyaf spokesman Abu Sabaya ang mga bihag na sina Chua at Bautista.
Ayon sa impormasyon, nakatakda na sanang sunduin ang dalawang bihag sa lugar na napagkasunduan kung saan sila kukunin pero nakasalubong ng mga ito ang grupo ng Lost Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Ang dalawang naturang bihag ay inihatid ng mga kasamahan ni Sabaya sa pick-up point kasama ang isang back-door negotiator ng makasalubong ang Lost Command.
Napag-alaman na nakapagbayad na ng ransom ang pamilya ng dalawang bihag, pero hindi inihayag kung magkano ang hiningi ng mga bandido.
May ulat ding nasagap na nagkaproblema sa panig ni Bautista kaya malamang umano na maiwan ito at si Chua lang ang tuluyang mapapalaya. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am