2 pa umatras sa Speakership
June 29, 2001 | 12:00am
Tuluyan nang nabuwag kahapon ang Coalition for New Politics (CNP) matapos kumalas dito ang dalawang partido at magdesisyon na suportahan si Pangasinan Rep. Jose de Venecia.
Inihayag ni Batanes Rep. Florencio Abad, pangulo ng Liberal Party (LP), mahigpit na kalaban ni de Venecia na iniwan na siya nina Palawan Rep. Vicente Sandoval, progressive block ng Lakas, at Raul del Mar ng Probinsiya Muna Development Initiative (Promdi).
Ayon sa source, inareglo na ng kampo ni de Venecia ang dalawang kongresista kaya umurong sa labanan ng Speakership.
Magugunitang sina Abad, Sandoval, del Mar at Nueva Viscaya Rep. Carlos Padilla ay kasama sa apat na kandidatong Speaker ng CNP na ipantatapat sana kay de Venecia.
Ang mga partido ng CNP ang nangarap na magsulong ng bagong politika kontra sa tradisyunal na politika at kabilang sa bumuo ng People Power Coalition. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest