^

Bansa

Comelec modernization isusulong na

-
Pasisimulang muli ng Commission on Election (COMELEC) ang pagtalakay ng modernization upang maisulong na sa darating na 2004 election ang computerization project.

Ayon kay Comelec Commissioner Luzviminda Tancangco na sa darating na Hulyo 11 ay uunahin ng commission enbanc ang paglilinaw ng awarding ukol sa Voters Registration and Identification System(VRIS) na nakuha ng Photokina Marketing Corporation na pansamantalang naisantabi ni Comelec Chairman Alfredo Benipayo bago sumapit ang nakaraang May 14 election.

Sinabi ni Tancangco, dapat lamang na talakayin at linawin ng commission enbanc ang pag-award nito sa Photokina para sa gayon ay agad na makagawa ng kontrata.

Napasakamay ang proyektong VRIS sa Photokina noong nakaupo si dating Comelec Chairman Harriet Demetriou subalit hindi nito napirmahan ang kontrata sa hindi malamang kadahilanan. (Ulat ni Jhay Mejias)

AYON

COMELEC CHAIRMAN ALFREDO BENIPAYO

COMELEC CHAIRMAN HARRIET DEMETRIOU

COMELEC COMMISSIONER LUZVIMINDA TANCANGCO

HULYO

JHAY MEJIAS

NAPASAKAMAY

PHOTOKINA

PHOTOKINA MARKETING CORPORATION

VOTERS REGISTRATION AND IDENTIFICATION SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with