^

Bansa

Chavit wala raw kredibilidad maging negosyador - Sen. Biazon

-
Nagkamali umano si Pangulong Arroyo nang ipadala sa Zamboanga City para gawing negosyador sa Abu Sayyaf si Ilocos Gov. Luis "Chavit" Singson dahil wala umano itong kredibilidad matapos masangkot din sa isang jueteng scandal sa bansa.

Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, ang kapalit o kondisyon ni Singson sa pagsuko ni Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot ay ang pagbasura ng plunder case ng pamahalaan laban sa kanya.

Magkakaroon lamang ng kulay kung itutuloy ng pamahalaan ang pagiging negosyador ni Singson lalu pa’t si dating Pangulong Estrada ang pangunahing sangkot.

Nauna ding napaulat na inalok ni Robot ang gobyerno ng kalahati ng kanyang kinita sa ransom money noong Sipadan hostage crisis sa Sulu kapalit ng pagbasura ng pamahalaan sa mga kasong kidnapping at murder laban sa kanya at kanyang grupo.

Nilinaw naman ni Justice Secretary Hernani Perez na kahit sumuko pa sa pamahalaan si Robot ay hindi ito makakaligtas sa nagawa niyang mga krimen. Tiniyak ni Perez na mahaharap si Robot sa mga kasong kidnap-for-ransom at pagpatay sa daan-daang sundalo ng gobyerno. (Ulat ni Doris Franche/Grace Amargo)

ABU SAYYAF

DORIS FRANCHE

GHALIB ANDANG

GRACE AMARGO

ILOCOS GOV

JUSTICE SECRETARY HERNANI PEREZ

KUMANDER ROBOT

PANGULONG ARROYO

PANGULONG ESTRADA

RODOLFO BIAZON

SINGSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with