Ayon kay Sen. Rodolfo Biazon, ang kapalit o kondisyon ni Singson sa pagsuko ni Sayyaf leader Ghalib Andang alyas Kumander Robot ay ang pagbasura ng plunder case ng pamahalaan laban sa kanya.
Magkakaroon lamang ng kulay kung itutuloy ng pamahalaan ang pagiging negosyador ni Singson lalu pa’t si dating Pangulong Estrada ang pangunahing sangkot.
Nauna ding napaulat na inalok ni Robot ang gobyerno ng kalahati ng kanyang kinita sa ransom money noong Sipadan hostage crisis sa Sulu kapalit ng pagbasura ng pamahalaan sa mga kasong kidnapping at murder laban sa kanya at kanyang grupo.
Nilinaw naman ni Justice Secretary Hernani Perez na kahit sumuko pa sa pamahalaan si Robot ay hindi ito makakaligtas sa nagawa niyang mga krimen. Tiniyak ni Perez na mahaharap si Robot sa mga kasong kidnap-for-ransom at pagpatay sa daan-daang sundalo ng gobyerno. (Ulat ni Doris Franche/Grace Amargo)