^

Bansa

Simbahan, ospital sinalakay ng Sayyaf: 200 katao hinostage

-
Bago ang pagkakapaslang kay Janjalani, tinatayang 200 pang katao ang hinostage ng Abu Sayyaf makaraang salakayin ang isang simbahan at ospital sa kainitan ng banatan sa pagitan ng militar at mga bandido sa Lamitan, Basilan kahapon ng madaling araw.

Sa pahayag ni AFP spokesman Brig. Gen. Edilberto Adan, bandang ala-una ng madaling araw ng pasukin ng may 60 hanggang 100 bilang ng armadong Sayyaf ang St. Peter’s Complex na kinaroroonan ng St. Peter Parish Church at Jose Torres Memorial Hospital na nasa bayan ng Lamitan.

Naunang plano ng mga bandido na kumuha ng mga doktor, nurses at mga gamot para dalhin sa kanilang mga sugatang kasamahan, pero nauwi sa pangho-hostage sa mga taong nasa loob ng Saint Peter’s complex ang naunang pakay ng mga bandido ng matunugan ng mga ito ang papalapit na apat na truckloads ng rumespondeng militar.

Napag-alaman na napilitang tumakbo patungong Lamitan ang grupo ng Abu Sayyaf matapos makipagsagupa kamakalawa sa Bgy. Sinangcapan, Tuburan, Basilan. Dito sila naabutan ng militar hanggang sa magpang-abot na nagresulta sa pagkakaligtas sa apat na Palawan hostages.

Kabilang sa nahostage sa ospital ay si Dr. Daniel Cole, habang sa St. Peter church sina Fr. Louie Nacorda, Parish Priest ng St. Peter Catholic Church; Fr. Rene Enriquez, assistant parish priest ng naturang simbahan at mga madreng Dominican na kinilalang sina Sr. Sonia, Sr. Sofia at Sr. Leonarda. (Ulat nina Joy Cantos at Rose Tamayo)

ABU SAYYAF

BASILAN

DR. DANIEL COLE

EDILBERTO ADAN

LAMITAN

ST. PETER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with