^

Bansa

Radio commentator tinodas ng Abu

-
Isang kilalang hard hitting radio commentator ng DxLL Bombo Radio ang pinaulanan ng bala ng dalawang armadong lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf sa panibagong insidente ng paghahasik ng terorismo sa Zamboanga City kahapon ng umaga.

Sa report na nakarating sa tanggapan ni PNP chief director, Gen. Leandro Mendoza, naganap ang insidente dakong alas-6 ng umaga.

Kalalabas lamang ng bahay sa Atilano pension house, Mayor Jaldon st., Bgy. Caneral at sakay na ng kanyang pulang Honda dream motorcycle ang biktimang si Candelario "Jhun" Cayona, 37, ng biglang harangin ng mga suspek at malapitang paputukan sa ulo at katawan ng bala ng kalibre .45. Dead-on-the-spot ang biktima.

Nakarekober ang mga awtoridad ng walong basyo ng bala.

Napag-alaman kay PO3 Alex delos Reyes ng Zamboanga city police, matagal nang may death threat ang biktima mula sa grupo ng Abu Sayyaf bunga ng kaliwa’t kanang pambabatikos nito sa pagkakasangkot ng mga bandido sa hostage crisis sa Sulu.

Pinaniwalaang ikinagalit ng grupo ng Sayyaf ang hindi magandang komentaryo nito, dahilan para siya patayin.

Si Cayona ay dating reporter ng DzBB bago humawak ng public affairs radio program sa DxLL. Kabilang sa kanyang mga programa ang Buenas Dias Zamboanga (Good Morning Zamboanga), Textimonia at Aksyon Derecho.

Isang puspusang operasyon na ang inilunsad ng mga awtoridad para madakip ang mga salarin.(Mga ulat ni a Joy Cantos at Roel Pareño)

ABU SAYYAF

AKSYON DERECHO

BOMBO RADIO

BUENAS DIAS ZAMBOANGA

GOOD MORNING ZAMBOANGA

ISANG

JOY CANTOS

LEANDRO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with