Sama ng loob sa eleksiyon ilalabas sa special session

Tiniyak ng mga natalong reelectionist senators na gagamitin nila ang isasagawang isang linggong special session sa Lunes para ilabas ang kanilang sama ng loob sa nakaraang halalan.

Inamin nina Senators Miriam Santiago at Juan Ponce Enrile na kapwa tumatagilid sa nagaganap na bilangan ng boto ng Comelec at Namfrel, na kanilang sasamantalahin ang pagkakataon dahil alam nila na sila ay nadaya.

Kapwa naghahanda na ng kanilang privelege speech sina Enrile at Santiago para sa nasabing special session. (Ulat ni Doris Franche)

Show comments