^

Bansa

100M kailangan sa pagsulong sa langis ng niyog na gamot sa AIDS

-
Hinimok ni Bohol Rep. Ernesto Herrera ang susunod na kongreso na magpasa ng bagong batas na siyang magtatatag ng kailangang P100M pondo na susuporta sa pananaliksik at pagsusuri sa langis ng niyog na posibleng gamot sa Human Immune Virus (HIV) na siyang pinagmumulan ng sakit na AIDS.

Sinabi ni Herrera na dapat itaguyod ng pamahalaan at pribadong sektor ang pagsusuri sa monolaurin na posibleng gamot sa mga taong may taglay na HIV at isa ring paraan para sumigla ang industriya ng niyog sa bansa.

Sa inisyal na ginawang pagsusuri dito at sa labas ng bansa na ang monolaurin na isang uri ng fatty acid na matatagpuan sa langis ng niyog ay siyang babalot sa HIV cell at kalaunan ay sisirain nito.

Ang niyog ang siyang pinakamalaking produktong pagsasaka na ibinebenta sa labas ng bansa na umaabot ng 100,000 tonelada kada buwan.

Nakasaad sa listahan ng National AIDS Registry, humigit kumulang na may 1,500 katao ang may HIV noong 1984,habang sinaad naman ng Department of Health (DOH) na umaabot na 40,000 Filipino ang mayroong HIV na hindi nila namamalayan. (Ulat ni Malou Rongalerios)

BOHOL REP

DEPARTMENT OF HEALTH

ERNESTO HERRERA

HERRERA

HINIMOK

HUMAN IMMUNE VIRUS

MALOU RONGALERIOS

NAKASAAD

SINABI

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with