Abadia tinapatan lang si Policarpio kaya nagtungo sa Mindanao
May 17, 2001 | 12:00am
Inamin kahapon ng Malacañang na kanilang ipinadala si Retired general Lisandro Abadia sa Mindanao na may kinalaman sa halalan.
Ayon kay Presidential Spokesman Rigoberto Tiglao, binigyan ng misyon ng People Power Coalition si Abadia para umano bantayan ang mga boto ng mga kandidatong senador ng administrasyon.
Ang pagpapadala kay Abadia sa Mindanao ay pantapat lang kay dating Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) chief Jimmy Policarpio na nagsasagawa umano ng operasyon sa Mindanao para sa Puwersa ng Masa.
Nilinaw ni Tiglao na nais lamang at tiyakin ng administrasyon na ang boto para sa PPC ay maibibilang at walang anumang dayaan. Aminado si Tiglao na nababahala ang PPC sa pagtungo ni Policarpio sa Mindanao dahil sa umanoy takot na magsagawa ng operasyon ng "dagdag bawas". (Mga ulat nina Ely Saludar at Malou Rongalerios)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 15, 2024 - 12:00am