Sa isang radio interview, sinabi ng Pangulo na may tinanggap siyang intelligence report na mayroong isang nine-man liquidation squad ang magsasagawa ng pagpaslang sa kanyang pamilya.
"Detalyado ang intelligence report. Ang sabi ko kay Mikey, ikaw ay target for abduction and assassination. Kinonfirm niya na nakatanggap din pala siya ng threat kasi, the day before nakatanggap siya ng sobre na may 5 live bullets," pahayag ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na base sa intelligence report ang balak daw ng may pakana ng planong ito ay sa pagitan ng Abril 29 at Mayo 2 isagawa kung hindi babalik (sa puwesto) si dating pangulong Estrada.
Ang liquidation squad ay nakabase umano sa lalawigan ng Pampanga. (Ulat ni Lilia Tolentino)