^

Bansa

'Extradition' kay Mark Jimenez political gimmick

-
Ito ang mariing sagot kahapon ng kampo ni independent congressional aspirant Mark Jimenez kaugnay ng napaulat na nakipagkasundo na ang pamahalaan ng Pilipinas sa Estados Unidos para ipatapon si Jimenez sa US bilang kapalit sa pagpapabalik sa bansa kina Charlie "Atong" Ang at Yolanda Ricaforte.

Ayon kay Atty. Melina Tecson, isa sa batikang abogado ni Jimenez na tumatakbo sa ika-5 distrito ng Maynila, walang basehan ang balita at kaduda-duda ang sources na mula lamang sa mga desperadong katunggali sa pulitika ni Jimenez.

Sinabi ni Atty. Tecson na kumambiyo ang mga kalaban ni MJ sa estilo ng kampanya matapos mapunang malayo na ang agwat ni Jimenez sa kanila.

Idinagdag ni Atty. Tecson na hindi kailanman magkakaroon ng exchange extradition deal dahil hindi ito nababanggit man lamang ni Justice Secretary Hernando Perez sa nilagdaang kasunduan ng Pilipinas at US.

Magugunita na kamakalawa ay napabalitang inihahanda na ng pamahalaan ang posibleng extradition sa US ng negosyanteng si Jimenez kapalit nina Atong at Ricaforte na kasalukuyang nagtatago sa US at kapwa sangkot sa kasong plunder na isinampa laban kay dating pangulong Estrada.

Kasabay nito, nanawagan si MJ sa kanyang mga katunggali na iwasan ang "below the belt tactics" at iba pang labag sa batas na pangangampanya sa nalalapit na national at local elections.

ATONG

AYON

ESTADOS UNIDOS

JIMENEZ

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

MARK JIMENEZ

MELINA TECSON

PILIPINAS

TECSON

YOLANDA RICAFORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with