Task Force HOPE vs 'Oplan Noel'
May 11, 2001 | 12:00am
Mahigpit na binabantayan ngayon ng buong puwersa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang galaw ng ibat ibang grupo na pinangangambahang maghasik ng kaguluhan para hindi matuloy ang halalan sa May 14 dahil sa paglulunsad ng Oplan Noel ( no elections).
Ayon kay PNP chief of operations Edgardo Aglipay, nakatanggap sila ng intelligence report na nakatakdang magsagawa ng pananabotahe sa eleksiyon ang mga rebeldeng grupo ng MILF, Abu Sayyaf, CPP-NPA at maging ang mga Erap supporters.
Kabilang din sa nakatakdang maghasik umano ng kaguluhan sa araw ng halalan ang ilang mga tauhan ng People’s Movement Against Poverty (PMAP) na pinamumunuan ni Ronald Lumbao bilang ganti sa dispersal operations ng pulisya sa Erap loyalists na sumugod sa Malakanyang.
Sa ginanap na command conference sa Malakanyang kahapon, inihayag ang pagtatatag ng Task Force HOPE (honest, orderly, peaceful elections) na isang paghahanda para madiskaril ang mga plano ng mga ito na guluhin ang eleksiyon.
Bahagi ng paghahanda ang pagbabantay ng mga pulis sa pagkuha ng election paraphernalias ng mga guro hanggang sa panahon na maidala ang mga election returns sa mga canvassing areas.
Dobleng pagbabantay rin ang isasagawa sa mga voting precint na ayon sa intelligence report ay siyang target na guluhin at isabotahe umano ng pro-Erap group.
Ang hakbang ay matapos madiskubre kamakalawa ng pulisya ang umano’y Oplan Noel na niluluto ng isang political group at mga kaalyadong criminal elements para maharang ang pagsasagawa ng May 14 elections.
Kinumpirma naman umano ng Comelec ang nasabing "Oplan No Elections."
Tiniyak naman ni Senate President Aquilino Pimentel na ang darating na halalan ang isa sa pinakamagulo at malawak na dayaan sa bansa. Aniya, mas lulutang ang dayaan sa pamamagitan ng double registration. (Mga ulat nina Ely Saludar/Doris Franche/Ellen Fernando at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended